Welcome to ATENEO DE LA SALLE UNIVERSITY!!!

Maligayang pag-Enroll sa ating munting es-Kwelahan...dito ay mababatid ninyo ang iba't ibang aralin kung saan dito nyo lang magpag-aaralan...

Hindi ako si Bob Ong at di ko din siya ginagaya..di ko pa siya nakita sa personal at di pa kami nakapag-usap kaya wala kang karapatang husgahan akong gaya-gaya puto maya dahil lahat ng ito ay original..orig ito mga tol.

Itong mga araling ito ay hango sa aking malikhaing pag-iisip. Anumang pagkakapareha nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya dahil kung sinasadya ko ito..baka mademanda ako.

Ang Lason Plan ay nabuo dahil sa inspirasyong iniwan ng mga batikang personalidad sa larangan ng agham at sining. At ang mga sumusunod ang kanilang mga famous quotes na talaga namang di matatawaran sa pagkatalinghaga...

"Cowabonga!!! dude" -Aristurtle

"A piece of art is like a piece of cake" -Galileo Gallery

"Barney is a dinosaur from our imagination"-Albert Isetann (carriedo branch)


BABALA: Ang mga nakasaad dito ay pag-aari kong intelektwal at sinuman ang gaya-gaya puto mayang magtatangkang angkinin ang mga nakasaad dito shall be persecuted...





Tuesday, May 19, 2009

LASON PLAN NO. 6

Mga Pangkaraniwang Sakit ng mga Hindi Pangkarinwang Nilalalang

Migraine - sakit ng mga Bampira. sintomas - ayaw sa liwanag, ayaw sa ingay at gusto sa madilim at matatahimik na lugar tulad ng kabaong na swak na swak ang ambience upang gawing tulugan ng mga bampira. Maaring ito din ang dahilan kung bakit sila nangangagat ng tao dahil ayaw nila sa maiingay.

Lung Cancer - sakit ng mga Kapre. sintomas - aakyat ng puno tuwing gabi para doon magyosi na karaniwan ay tapis lamang ang saplot. Maari din magkapulmonya ang nilalang na ito dahil sa hamog.

Leptospirosis - sakit ng mga Nuno sa punso. Ang sakit na ito ay nakukuha sa ihi ng ibang nilalang. sintomas - panliit, pasma at paghihiganti sa mga umiihi sa punso.

Ulcer, impatcho, Dispesia at iba pang sakit sa sikmura - sakit ng Manananggal. Dahil sa madalas na paghihiwalay nito ng katawan madalas din siyang di natutunawan ng kinain. Nagkakaroon din sila ng sakit sa bato sapagkat walang paraan para umihi sila sa ere dahil palaging naiiwan ang kalahati ng kanilang katawan nakatayo sa upuan.

Drug Addiction - sakit ng Tikbalang. Ang pagkain nito ng dayami ay minsan nauuwi sa paggamit ng ipanbabawal na damo tulad ng Marijuana.

Tetano - Sakit ng Tiktik o Aswang. Dahil sa palagiang pag-landing sa kalawang na bubong upang manilip at maghanap ng makakain, tetano ang kanilang inaabot.

Pasa at iba pang Physical Injuries - sakit ng Duwende. Kadalasan sila ay nasisipa at naapakan dahil sa kanilang kaliitan.

Alliumphobia - sakit ng Aswang at Bampira. Ang alliumphobia ay pagkatakot sa bawang. sintomas - pagkahilo, di makahinga ng maayos, heart palpitations, panginginig, pagkatuyo ng labi, pagpapawis, hihimatayain at iba pa.

Ketong at Dermatitis - sakit ng Zombie. Obvious naman. Ang sakit nila ay di na kayang lunasan ni Dra. Vicky Belo.

Rabies - sakit ng mga Kalansay. Ang mga nilalang na ito ay kadalasang naliligaw sa mga bakurang may asong ulol.

Galis Aso - Sakit ng mga Werewolves. Mas madali silang dapuan ng ganitong sakit kapag sila ay nag-aanyong taong-lobo. Di rin sila ligtas sa mga garapata. Ang ibang pang sanhi ng pagkamatay ng mga werewolves ay kapag napagtripan sila ng mga sunog-baga upang gawing asusena.

Takdang Aralin:
Gumawa ng trap gamit ang lambat at kawayan at manghuli ng iba pang nilalang na hindi nabanggit dito at pag-aralan ang sakit ng nahuling nilalang. May bonus points sa makahuli ng at makakapag-diagnose ng isang Ghost.

No comments:

Post a Comment