Welcome to ATENEO DE LA SALLE UNIVERSITY!!!

Maligayang pag-Enroll sa ating munting es-Kwelahan...dito ay mababatid ninyo ang iba't ibang aralin kung saan dito nyo lang magpag-aaralan...

Hindi ako si Bob Ong at di ko din siya ginagaya..di ko pa siya nakita sa personal at di pa kami nakapag-usap kaya wala kang karapatang husgahan akong gaya-gaya puto maya dahil lahat ng ito ay original..orig ito mga tol.

Itong mga araling ito ay hango sa aking malikhaing pag-iisip. Anumang pagkakapareha nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya dahil kung sinasadya ko ito..baka mademanda ako.

Ang Lason Plan ay nabuo dahil sa inspirasyong iniwan ng mga batikang personalidad sa larangan ng agham at sining. At ang mga sumusunod ang kanilang mga famous quotes na talaga namang di matatawaran sa pagkatalinghaga...

"Cowabonga!!! dude" -Aristurtle

"A piece of art is like a piece of cake" -Galileo Gallery

"Barney is a dinosaur from our imagination"-Albert Isetann (carriedo branch)


BABALA: Ang mga nakasaad dito ay pag-aari kong intelektwal at sinuman ang gaya-gaya puto mayang magtatangkang angkinin ang mga nakasaad dito shall be persecuted...





Thursday, August 13, 2009

Formula Para sa mga Masasamang Nilalang (Ayon sa mga Sunog-Bagang di nakapasa sa Culinary Exam)

Formula Para sa mga Masasamang Nilalang
(Ayon sa mga Sunog-Bagang di nakapasa sa Culinary Exam)

Ingredients:
1 Itog ng Butiki
Isang Kutsaritang Laway ng Palaka (yung palakang kulay navy blue)
Isang Tasang Pawis ng Langgam
1/4 kilong asukal
1/2 cup na gatas ng babaeng pitbull (preferably yung may rabies)
1 bagong tubong wisdom tooth ng pating
3 dila nang nagwawalang ahas
1 pirasong tinga ng buwaya
2 pirasong balahibo ng buwitre
5 pirasong buhok ng leon
1 pares ng bigote ng tigre
1 higanteng anaconda (buhay)
at palikpik ng pirana

Kung buhay ka pa sa pagkalap ng mga ingredients na ito at nais mo paring ituloy ang formula na ito maari lang na sundin ang mga sumusunod na hakbang kung kaya pa ng katawan mo:

Steps
1. Ilagay sa kawali ang isang kutsaritang laway ng palaka sa kawali hangang ito'y kumulo.
2. Gawing scramble egg ang itlog ng butiki
3. Itapon sa sahig ang isang tasa pawis ng langgam na malamang na iyong pinaghirapan ng ilang araw.
4. punasang ng dila nang nagwawalang ahas ang pawis ng langgam na itinapon ng sahig
5. Ilagay ang dilang may pawis ng langgam sa kawali.
6. Durugin ang wisdom tooth ng pating hanggang maging pulbos.
7. Hiwain ng pa square ang palikpik ng pirana at ang balahibo ng buwitre.
8. I-marinate ang anaconda. Budbudan ng pinulbos na wisdom tooth ng pating sa bandang mata ng anaconda hanggang ito'y mamula sa galit. At ilagay sa bibig ng anaconda yung hiniwang pasquare na palikpik ng pirana at ang balahibo ng buwitre.
9. Sabay ilagay ng buo ang buhay ba higanteng anaconda sa kawali. Sampal-sampalin kung ito'y pumipiglas hanggang sa mawalan ng malay. Palambutin.
10. Kapag malambot na ang anaconda, ilagay naman ang 1/2 cup gatas ang pitbull. Pakuluin.
11. Kung kumukulo na ilagay pares ng bigote ng tigre.
12. Ibuhos ang 1/4 na asukal hanggang sa matunaw ito.
13. Buksan ang apoy ng gas stove. Kanina ka pa nagluluto hindi mo naman binuksan ang gas stove.
14. Ilagay na tinga ng buwaya. Pakuluin ng exactong 2.37 seconds tapos ay hanguin.
15. Ilagay sa sizzling plate na ninenok mo sa foodcourt.
16. Lagyan ito ng dekorasyon gamit ang 5 piraong buhok ng leon.
17. Tikman.
18. Ihain na sa massamang loob.

Ayan! Natapos na natin ang formula na pupuksa na masasamang loob. Kung nais ninyong malaman kung may iba pang alternatibo yun ay magdasal.

Wednesday, May 20, 2009

Greatest Love Of All - TAGLISH Version

Greatest Love Of All - TAGLISH Version

I believe (ako'y naniniwala)
Teach them well (turuan mo sila)
Show them all (ipakita mong lahat)
Give them (ibigay mo)
to make (magawa)
Let the children (bata)
remind us (ipaalala)

Everybody's searching (may hinahanap)
People need (kailangan ng tao)
I never found (di ko na nakita pa)
A lonely ( malungkot)
And so I learned (natutunan ko)

I decided (nagdesisyon),
never to walk (hindi maglalakad)
If I fail (pag nagkamali)
at least I live (nabuhay naman)
No matter (ay walang bagay)
They can't take away (di makukuha)

Because (sapagkat)
love (mahal)
is happening to me
I found (nakita ko)
love (mahal)
inside of me
The greatest (ang pinaka)
is easy (madali)
Learning (natutunan ko),
it is the greatest (ang pinaka)

I believe (ako'y naniniwala)
Teach them well (turuan mo sila)
Show them all (ipakita mong lahat)
Give them (ibigay mo)
to make (magawa)
Let the children (bata)
remind us (ipaalala)

I decided (nagdesisyon),
never to walk (hindi maglalakad)
If I fail (pag nagkamali)
at least I live (nabuhay naman)
No matter (ay walang bagay)
They can't take away (di makukuha)

Because (sapagkat)
love (mahal)
is happening to me
I found (nakita ko)
love (mahal)
inside of me
The greatest (ang pinaka)
is easy (madali)
Learning (natutunan ko),
it is the greatest (ang pinaka)

And if by chance (pag nagkataon)
That you've been (ikaw ay)
Leads you (patungo sa)
Find your (hanapin ang)

Tuesday, May 19, 2009

LASON PLAN NO. 6

Mga Pangkaraniwang Sakit ng mga Hindi Pangkarinwang Nilalalang

Migraine - sakit ng mga Bampira. sintomas - ayaw sa liwanag, ayaw sa ingay at gusto sa madilim at matatahimik na lugar tulad ng kabaong na swak na swak ang ambience upang gawing tulugan ng mga bampira. Maaring ito din ang dahilan kung bakit sila nangangagat ng tao dahil ayaw nila sa maiingay.

Lung Cancer - sakit ng mga Kapre. sintomas - aakyat ng puno tuwing gabi para doon magyosi na karaniwan ay tapis lamang ang saplot. Maari din magkapulmonya ang nilalang na ito dahil sa hamog.

Leptospirosis - sakit ng mga Nuno sa punso. Ang sakit na ito ay nakukuha sa ihi ng ibang nilalang. sintomas - panliit, pasma at paghihiganti sa mga umiihi sa punso.

Ulcer, impatcho, Dispesia at iba pang sakit sa sikmura - sakit ng Manananggal. Dahil sa madalas na paghihiwalay nito ng katawan madalas din siyang di natutunawan ng kinain. Nagkakaroon din sila ng sakit sa bato sapagkat walang paraan para umihi sila sa ere dahil palaging naiiwan ang kalahati ng kanilang katawan nakatayo sa upuan.

Drug Addiction - sakit ng Tikbalang. Ang pagkain nito ng dayami ay minsan nauuwi sa paggamit ng ipanbabawal na damo tulad ng Marijuana.

Tetano - Sakit ng Tiktik o Aswang. Dahil sa palagiang pag-landing sa kalawang na bubong upang manilip at maghanap ng makakain, tetano ang kanilang inaabot.

Pasa at iba pang Physical Injuries - sakit ng Duwende. Kadalasan sila ay nasisipa at naapakan dahil sa kanilang kaliitan.

Alliumphobia - sakit ng Aswang at Bampira. Ang alliumphobia ay pagkatakot sa bawang. sintomas - pagkahilo, di makahinga ng maayos, heart palpitations, panginginig, pagkatuyo ng labi, pagpapawis, hihimatayain at iba pa.

Ketong at Dermatitis - sakit ng Zombie. Obvious naman. Ang sakit nila ay di na kayang lunasan ni Dra. Vicky Belo.

Rabies - sakit ng mga Kalansay. Ang mga nilalang na ito ay kadalasang naliligaw sa mga bakurang may asong ulol.

Galis Aso - Sakit ng mga Werewolves. Mas madali silang dapuan ng ganitong sakit kapag sila ay nag-aanyong taong-lobo. Di rin sila ligtas sa mga garapata. Ang ibang pang sanhi ng pagkamatay ng mga werewolves ay kapag napagtripan sila ng mga sunog-baga upang gawing asusena.

Takdang Aralin:
Gumawa ng trap gamit ang lambat at kawayan at manghuli ng iba pang nilalang na hindi nabanggit dito at pag-aralan ang sakit ng nahuling nilalang. May bonus points sa makahuli ng at makakapag-diagnose ng isang Ghost.

LASON PLAN NO. 5

"Mamang Sorbetero tayo'y sumayaw, kalembang mong hawak muling ikaway, batang munti sayo'y naghihintay, bigyang ligaya ngayong tag-araw"
-Mang Nolya

Aral Ukol sa Paksa:
Dahil sa hirap ng panahon ngayon, mainam lamang na magkaroon ng sideline ang isang manggagawa. Tulad nitong sorbetero, na isa ring dancer at tagabigay aliw sa mga nasa munti.Ngunit mag-ingat din dahil baka ang sorbeterong ganito ay lulong sa ipinagbabawal na droga. Kung maari ay iwasan ang sorbeterong naglalako ng ice cream habang sumasayaw tapos pakalembang-kalembang pa at papunta ng munti.

Mga Aralin:
1.Tama o Mali:
a. ang sorbetes ba ay plural form? kung sa gayon kung bibili ka ng isang scoop ng ice cream ang iyong sasabihin ba ay "pabili nga po ng sorbete"?
b. ang saling titik ba ng ng sorbetes sa salitang ingles ay dirty ice cream? kahit hindi mo siya tinawag na "maduming sorbetes"?
c. nagtratrabaho din ba ang sorbetero kapag tag-ulan?

2. Gamitin ang imahinasyon.Kung nawala ang kalembang ng sorbetero at nagkataong pipi pa ito, ano ang magandang ipamalit upang makatawag pansin sa mga bibili?
a. buzzer o doorbell
b. busina ng sasakyan
c. takip ng kaldero

3. Piliin ang tamang salita sa patlang. Mamang mananayaw tayo'y ______,
a. magbenta ng sorbetes
b. kumanta ng mamang sorbetero
c. mang-aliw sa munti

Takdang Aralin:
Magdala ng isang plastic bag na puno ng prutas at gumawa ng sanaysay kung bakit mo ito buong pusong ibibigay kay teacher.

LASON PLAN NO. 4

"ako ang akyat-bahay , akyat-bahay nyo na laging handang magnenok sa inyo, kilala nyo ako, kilala nyo ako, ako'y isang akyat-bahay sa bahay ninyo"
-robin hoodas

Aral Ukol sa Paksa:
Ang gawaing panlalamang, ay gawaing tiba-tiba. Huwag basta basta maggagalit sa mga magnanakaw dahil ang magnanakaw daw ay galit sa kapwa magnanakaw baka ikaw pa mapagbintangan. Pinapaalalahanan ang bawat estudyante na huwag pag-interesan ang ballpen at lapis ng inyong kamag-aral. Huwag din ngat-ngatin ang hiniram na ballpen ng basta-basta siguraduhing isawsaw muna ito sa ketchup bago ito isubo.

Mga Aralin:
1. Sa kasabihang ang "magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw", hanapin sa encyclopedia kung sino lang ang bati nila.

2. kung ang bahay nyo ay walang second floor nararapat pa bang tawaging akyat-bahay ang isang magnanakaw? kung hindi, alin sa mga sumusunod ang nararapat na itawag sa kanya:
a. pasok-bahay
b. bahay-salakay
c. lipat-gamit

3. I-research ang criteria na ginagamit ng mga hurado upang makuha ang matataas na parangal sa mga mandarambong tulad ng Top Snatcher Award at Magna Cum Pare sa patimpalak na Golden Dugas Awards

Takdang Aralin:
Magdala ng kawali, mantika, gasul, kalan, apron, pot holder at syanse para sa ating cooking lesson sa Home Economics. Magdala rin ng 200 pesos para sa isang kilo na ibinibenta ng guro na tocino bilang ating natatanging sangakap sa pagluluto. May bonus points din kung bibili sa guro ng extra fried rice sa halagang 15 pesos.

LASON PLAN NO. 3

"Ang hindi marunong magsalita ng sariling wika...ay pipi o pagtetext lang ang ginagawa"
-Mang Jose

Aral Ukol sa Paksa:
Paghusayin ang pagsasalita ng sariling wika sapagkat ang pagiging tahimik ay nakakamatay dahil sa maari mong malunok ang napanis mong laway.

Mga Aralin:
1. Suriing mabuti kung ang isang filipinong pipi na nagpunta sa america ay nangangailangan din ba ng translator upang isalin sa wikang banyaga ang kanyang natutunang sign language?

2. Ipahiwatig ng buong puso ang sagot sa tanong na "ang pipi ba kapag sumipol may sounds?"

3. Kung ang isang pipi ay nalulunod paano siya hihingi ng tulong?
a. ititigil ang pagkawag sa tubig at magsa-sign language
b. gagawa ng ingay sa pagbuga ng tubig upang makagawa ng maraming bula
c. magtetext ng "sklolo me d2 me ocean deep"

Takdang-Aralin:
Magdala ng dahon ng gumamela, isang scoop ng powdered soap, isang piraso ng walis ting-ting, lata na walang laman, tubig, bato at kutsara.Gamitin ang mga sumusunod sa paggawa ng apron lagayan ito ng burdang "i love cooking" para sa bonus grade.Dahil sa tapos na ang ating paper mache na project, magdala ng 100 pesos para sa mga dala ng guro na retasong tela na gagawin nating basahan.

Saling-titik ng awiting "BAHAY KUBO"

"NIPA HUT"
nipa hut
eventhough it's small
the plants that are there
varies, varies

turnip,eggplant,winged beans and peanuts
string bean, lablab bean, lima bean

wax gourd, loofah, bottle gourd and squash
and wait! there's more
radish and mustard

onion, tomato, garlic and ginger
and everywhere is full of sesame

LASON PLAN NO. 2

"Kapag may tinanim may aanihin...aanhin mo pa ang damo kung tinabas na ng hardinero"
-Dept. of Agriculture

Aral ukol sa Paksa:
Dahil sa makabagong panahon ng pagsasaling titik sa salitang-banyaga ang magsasaka ay maari na din isalin sa salitang Ingles na "FARMACIST".

Mga Aralin:
1. Magsunog ng kilay sa tanong na "bakit ang munggo di mo pa tinatanim ay inaani mo na?"

2. Sa kantang "Bahay kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari", sino ang nagtanim ng gulay?
a. mga preso ng munti
b. farmacist
c. composer ng kanta

3. Ipagtanong sa tabi tabi kung sino ang "Pambansang Magsasaka ng Pilipinas?"

Takdang aralin:
Isalin sa salitang Ingles ang kantang "bahay kubo". Magdala rin ng lagari, stapler, martilyo, ilang piraso ng turnilyo, screw driver, pako at piraso ng yero at gawing bangkang papel. Lagyan din ito ng swimming pool sa loob na may diving board para sa karagdagang grado.Magdala din ng 50 pesos para sa pagpapatuloy ng ating paper mache.

Bonus:Magtanim ng seedless na ubas.

LASON PLAN NO. 1

"ang tumakbo ng matulin habang isda ang kinakain, kung matinik ay malalim"
-Chef

Aral ukol sa paksa:
Magdala ng tubig at saging kung tumatakbo ng matulin habang isda ang kinakain...

Pagninilay-nilay:
1. pag-isipang mabuti kung paano ka makakain ng isda habang may dalang tubig at saging kapag tumatakbo ng matulin?

2. pagbulayan ang tanong na "bakit ba ako takbo ng takbo habang kumakain?"

3. sagutin ang una at ikalawang tanong ng pautlit-ulit hanggang sa mabaliw

Takdang Aralin:
Magdala ng papel de hapon, gunting, pandikit, ilang piraso ng walis tingting, bubog, alexander, pisi at gawin itong submarine na may maliit na sala set sa loob. magdala rin ng twenty-five pesos para sa photocopy na gagawin nating paper mache.